Friday, September 25, 2009

My Little Prince V.A


My Little Prince V.A...ang aking bunso, buchokoy sa totoo lang di namin inaasahan ni tats na masusundan agad si veigne pero dumating sa amin si v.a maswerte kami at naging boy sya dahil hanggang dalawang kids lang ang napag usapan namin ni tats dahil mahirap ang buhay sa panahon ngayon when i gave birth to v.a sinabay na ang ligation para si v.a na talaga ang bunso namin...maliban na lang kung mag kaka anak pa si tats sa iba...hehe joke! Malaki ang difference ni v.a kay veigne sa apetite si v.a sobrang takaw actually medyo malusog ang pangangatawan ni v.a kaysa kay veigne, makulit na bata na rin si v.a pag nagigising sya sa umaga pinupuntahan nya agad ang ate veigne nya para gisingin tapos naka smile sya agad sa amin...malamabing na baby si v.a.Makikita mo ang matinding koneksyon nilang magkapatid pag naririnig ni v.a na umiiyak si ate veigne nya umiiyak din sya hehe! 1yr and 2months na si v.a nag uumpisa na sya maglakad yun nga lang may pag katamad ang baby boy ko di gaya ni ate veigne di natuto maglakad takbo agad ang alam hehe! Ang 1st word ni v. ate... ang sarap sarap halikhalikan at yakapin si v.a dahil malusog, natutuwa akong pag masdan sila ni veigne pag nag yayakapan sila.V.a love na love ko ikaw.Sana mag mana ka sa ate mo na di sakitin.

No comments:

Post a Comment