Showing posts with label kids. Show all posts
Showing posts with label kids. Show all posts

Sunday, November 15, 2009

V.a 1st Hospitalization

Di ko alam kong ano mararamdaman ko nung mga time na nasa hospitalize si v.a habnag umiiyak sya sa bawt tusok na ginagawa nila sa kanya...naiiyak ako bilang mommy nya....Nag start nag fever ni v.a last nov 7. pero nauna muna ang ubo 2nd day ng fever worried na kami ni tats kasi sumasabay ang ubo at lagnat kaya nag decide kami na ipa check up sya...nung tumawag ako sa pedia nya para mag pa lista sa check up tinanong nila ako kung ilang days na ang fever ni v.a ang sabi ko 2days ang sabi s.o.p daw sa kanila ipa cbc agad kasi delikado daw at uso ang dengue kami naman ni tats agree na ipa cbc sya. at his early age matutusok na sya ng needle feeling ko ako ang masasaktan sa gagawin sa kanya para hindi umiyak si v.a kinuwento ko si brutos hehe yung dog sa kabilang bahay na aliw naman si v.a at hindi naramdaman ang tusok..pero masakit kaya may late reaction pero sandali lang after 2hrs nakuha na namin ang cbc sabi ni dra gusto nya ipa repeat ulit yun pag nag 3rd day ang fever dahil di ganun kaganda nag result kasi viral ang nakita sa result nasa under ng viral ang dengue pag bumaba lalo ang platelets nya dengue na talaga. Kinabukasan may fever pa si bunso kaya nag pa cbc kami ulit bumaba lalo ang result ng platelets nya kaya nag decide si dra na admit sya para makasiguro sa sitwasyon nya wala naman mawawala sa amin yun kung ipapa admit sya ang kaso wala pa syang medicard di gaya ni veigne kaya nag iisip kami financially pero sinantabi muna namin ang financial issues ang importante malaman kung ano talaga sakit ng baby ko at gumaling sya. May 3days din sya nag stay sa U.S.T hospital saturday ng lumabas sya ang findings sa kanya viral pneumonia buti na lang at hindi dengue..daming tusok pinag daanan ng baby ko during his confinement mas double ang sakit na nararamdaman ko that time kung pwedeng ako na lang sumalo sa mga tusok na gagawin sa kanya gagawin ko. Mahal na mahal ko mga kids ko sana mag direderetso na ang recovery ni V.a

Tuesday, November 3, 2009

Days without Yaya

Wow! super hirap pero challenging ang pagaka wala ng yaya..kasi lahat ng bagay sa kids ko ako lang gumagawa...like pag nag punta ng c.r ang eldest di ko alam kung paano ko iiwan si bunso dahil super kulit sya kaya dapat marunong dumiskarte.Sad to say minsan nasisigawan ko sila at napapalo i feel very bad kasi ayaw ko sana gawin kaso ang kukulit nila.Ang gusto ko sana gawin ma control ko ang temper ko sa kanila kasi nakakaawa naman kung lagi ko sila nasisigawan.Gusto ko kasi lahat ng bagay nasa proper places katulad yung mga toys na after nila gamitin gusto ko naitatabi ko na agad para di nag kalat mag cause pa ksi ng accident yun pag nagkataon. Mas mahirap ang sitwasyon pagdating ng feeding time nandun na yung mahirap pakainin like yung eldest ko lalo na pag feel nya magakalat minsan hinahayaan ko sya magakalat bastat makakain lang sya pati si bunso nakikigaya na rin sa ate nya hay....syempre after ng feeding time cleaning time na bago sila umakyat sa room ill make sure na malinis na sila, pag malinis na sila at nakabihis na ng pangtulog nag lalaro pa sila ng ibang toys nila sa room that means panibagong kalat...habang naglalaro sila at busy bumababa ako at pa konti konti ko nililinis ang mga kinalat nila...ang final touch ko sa paglilinis pag tulog na sila, si hubby kasi pa iba iba ng schedule sa work kaya most of the time ako talaga lahat sa kids at dito sa household chores...kung pwede lang ako maging super mommy para maasikaso ko lahat ng pangangailangan nila sa isang click hehe!Masaya ako dahil nag kakaroon kami ng bonding ng kids ko mas marami ako na didiscover sa kanila. I love my kids very much!

Thursday, October 29, 2009

Advance Trick or Treat Oct.28,09




Advance trick or treat ng mga kids namin sa company ni tats, grabe nahirapan kami mag ayos bg costume lalo na kay veigne last minute namin nabili ang angel wings nya..maganda nag wings ni veigne very original ang materials as in literal true feathers talaga mukhang angel talaga si veigne sa costume nya si v.a naman robinhood ang costume noong una namin nakita ni tats yung costume ni v.a naisip namin agad na bagay sa kanya di nga kami nag kamali ang cute ni v.a. Nakakatuwa pag masdan ang mga kids habang suot ang costume.Supposed to be dapat 7am kami aalis ng hauz dahil 8am ang party kaso na late kami mga pass 8am na kami nakarating buti naka singit ako sa registration hehe! di ko napansin may line pala pero na entertain ako agad ng mga receptionist.Nag enjoy si veigne sa crowd si v.a nag enjoy sa food like fries and pizza. At around 10am nagbalak na kami umuwi kasi wala na rin magawa at makukulit na ang mga kids lalo na si v.a ang dumi na nya, sa house na kami nag lunch para tipid... Ang importante naka attend mga kids namin sa party sa office ng dad nila.

Monday, October 5, 2009

Si Bunso maysakit

Kakalungkot kasi nag kasakit si bunso nag start ang fever nya last Oct 2 ang temperature 38.8 grabe ang taas napa isip ako kung ano nagawa kung mali kay v.a bakit sya nag kasakit, kaya whole day observe ko sya mabuti napansin ko na namamaga ang gums nya dahil tumutubo ibang teeth nya, maselan kasi mag ngipin si v.a talagang nilalagnat sya, sabi ko sa sarili ko sana ganun lang talaga..naka monitor ako sa temperature nya binigyan ko sya ng tempra para sa fever at during the night nilalagyan ko sya ng cool fever para di nya masyado ma feel ang init ng temperature nya...during the night di ako masyado nag papaka himbing sa pag sleep kasi lagi ko check si v.a natatakot kasi ako dahil mataas temperature nya. sunday afernun ng nawala na ang fever nya sana mag tuloy tuloy na hay ang hirap pag maysakit ang kids wish ko nga na ako na lang mag kasakit para di na mahirapan kids ko atleast ako kaya ko sana nga lang pwede yung ganun. Love you v.a!

Friday, September 25, 2009

My Little Prince V.A


My Little Prince V.A...ang aking bunso, buchokoy sa totoo lang di namin inaasahan ni tats na masusundan agad si veigne pero dumating sa amin si v.a maswerte kami at naging boy sya dahil hanggang dalawang kids lang ang napag usapan namin ni tats dahil mahirap ang buhay sa panahon ngayon when i gave birth to v.a sinabay na ang ligation para si v.a na talaga ang bunso namin...maliban na lang kung mag kaka anak pa si tats sa iba...hehe joke! Malaki ang difference ni v.a kay veigne sa apetite si v.a sobrang takaw actually medyo malusog ang pangangatawan ni v.a kaysa kay veigne, makulit na bata na rin si v.a pag nagigising sya sa umaga pinupuntahan nya agad ang ate veigne nya para gisingin tapos naka smile sya agad sa amin...malamabing na baby si v.a.Makikita mo ang matinding koneksyon nilang magkapatid pag naririnig ni v.a na umiiyak si ate veigne nya umiiyak din sya hehe! 1yr and 2months na si v.a nag uumpisa na sya maglakad yun nga lang may pag katamad ang baby boy ko di gaya ni ate veigne di natuto maglakad takbo agad ang alam hehe! Ang 1st word ni v. ate... ang sarap sarap halikhalikan at yakapin si v.a dahil malusog, natutuwa akong pag masdan sila ni veigne pag nag yayakapan sila.V.a love na love ko ikaw.Sana mag mana ka sa ate mo na di sakitin.

Thursday, September 24, 2009

My Little Princess Veigne


My Veigne... sobrang kulit nya now a days pag di nya nakukuha ang gusto nya grabe sya mag tantrums. mahina pa rin sya kumain lahat na ata naibento ko na ang mga ibat ibang foods na pwede nya kainin di nag wowork minsan marami sya kumain minsan paborito nya mga may sabaw na food may time ayaw nya..hotdogs at nuggets minsan gusto nya. Mahilig sya sa junkfoods e.g piatos favorite nya yun lalo na pringles at , picnic at cheetos makikita mo ang pag kadamot nya pag favorite nya ang kinakain nya kahit nga ako ayaw nya bigyan pati yung younger brother nya di nya binibigyan...di ko maiwasan na di sya kumain ng junkfoods kasi parang pinaka reward ko na yun sa kanya sa mga pag lalambing nya sa akin at pag nag bebehave sya. Sa pag inom ng vitamins hindi sya mahirap painumin bstat wag lang sya susumpungin ng pag iinarte hehe!Lahat ng nakikita nya sa t.v na food sasabihin nya "Mama bili mo yun" sbi ko sa kanya binili ko yun kaso di mo naman kinakain...Sa toys naman madamot sya kahit sa kapatid nya kaya iniiwan sya ng playmates nya kasi madamot sya, mga bata talaga.May bagong syang playmate sa katabing bahay namin ang name nya Chad grabe iniiyakan ni veigne yun pag di nya nakikita lalo na pag pinapauwi si chad sa house nila o si veigne naman pinapauwi para kumain o mag take ng nap sa tanghali minsan nakakatulog na si veigne sa pag iyak sobrang gusto nya yung kalaro si chad kaso di naman sya nag shashare ng toys kaya minsan si chad umuuwi sa house nila. Maraming natutuwa kay Veigne lalo na yung mga maids sa kabilang bahay kasi ang daldal nya yun nga lang minsan ayaw ko yung lumalabas sa mouth nya na words pinipilit ko i correct kaso di ko na rin na cocorrect bstat wag lang bad words..malimit sabihin ni veigne" Mama San Dada ko? Sagot ko sa kanya nasa taas.. sabi ni Veigne Ah nag cocomputer Mama tingnan ko dada ko sa taas" hehe!pag nag lalambing si veigne sa amin i kikiss nya kami at i hug nakaktuwa kasi alam na nya mag lambing at pag sinabihan ko sya ng i love you sasagot din sya love you Mama.Minsan mahilig nya kunin ang cp o landline kunwari may kausap sya natatawa kami sa kanya ni Tats....Sabi ni tats kay veigne " punta na ofc dada" minsan sagot ni Veigne "wag punta ofc dada dito lang " pero pina[paliwanag namin sa kanya kahit bata pa sya kaya nag ofc si tats para may pambili ng milk,diaper, vitamins at food namin ngayon alam na nya. Mahilig si veigne manuod ng mga dvd katulad ng mickey mouse, dora, little einstein, nursery rhymes, baby einstein di sya nag sasawa, pinapanuod din sya mga movie ni pooh at carebears.Malimit ko lambingin si veigne para di sya mag selos sa baby brother nya pero di rin maiwasan dahil sobrang kulit sya napapalo ko na sya, sumasama ang loob ko pag napapalo ko sya naiiyak ako pero tapos na nagawa ko na minsan sa sobrang inis ko, alam ko di tama yun kaya iniiwasan ko na.I love you Veigne.. pag marunong ka na magbasa basahin mo to para malaman mo mahal na mahal ka ni Mama.

Scary Creatures



Scary Creatures...sabi ko dati nung hindi pa ako nag kaka baby hindi ko tatakutin ang kids ko sa mga nakakatakot na bagay...pero naiba ang pananaw ko.. Sa sobrang kulit ng mga kids ko natuto ako manakot para mag behave sila pag sobrang kulit, pag ayaw kumain at ayw matulog.. Nag start ako kay veigne nung 1yr old na sya hanggang ngayon na 3yrs old na sya. Nung 1 yr old sya ang unang pnanakot ko sa kanya witch effective sa pag papatulog ko sa knya ang negative feedback nag kakaroon sya ng bad dreams, kasi kung di ko naman gagawin yun di sya nag bebehave at sobra ang tantrums nya pati nga si tats nakikigaya na sa akin sa pananakot sa mga kids.Yung youngest ko din tinatakot ko na rin kasi kumukulit sa doggy at mouse ko sya tinatakot bigla na lang yun ang naisip ko. di ko sinasabi na tama ang ginagawa ko sa pagtakot ko sa mga kids ko kasi may negative feedback nga. Nag reresearch nga ako ngayon ng ibang way para mag behave ang kids ko sa ibang paraan na di ko sila tatakutin.pati nga ang yaya magaling an rin manakot pero minsan sumosobra para mapasunod nya ang kids sa mga gusto nya tatakutin minsan naiinis ako pag umiiyak mga kids sa mga pananakot nya.Mahirap mag discipline now a days minsna kahit may pattern ka di mo nasusunod pag makulit ang kids. Sana makaisip ako ng ibang ways para di ko na kailangan sabihin ang mag scary creatures sa kids ko.