Monday, October 5, 2009

Our 12 Years Anniv Oct.3, 2009

taken 2005 sa comp shop ni yoyo!
Wow...anniv namin akala ko nakalimutan na ni tats ang araw na ito sa sobrang daming nangyari sa relasyon namin, pero eto pa rin kami magkasama pilit na nag uumpisa ng sariling buhay na walang nakikialam na magulang namin masaya na mahirap ang pinag dadaanan namin pero mas masaya kasi buo kaming apat at mag kakasama sa isang bahay, hindi na namin kailangan mag antay ng 2 weeks bago mag kasama sama sana lagi na lang kami magkakasama.Eto nga pala ang nangyari nung anniv day namin wala pang 12 midnyt ng Oct,3 greet na ko ni lovesy akala ko talaga nakalimutan na nya pero nakakatuwa kasi naalala nya in advance kahit wala kaming date ok lang bastat buo kami nakaklungkot lang kasi may sakit si bunso this day. Kahit ganun nagluto pa rin ako ng macaroni w/ white sauce on top at fried chicken at bumuli ng chocolate pastry sa bakery, nabusog kami ni tats sa luto ko hehe! sulit ang anniv kahit sa house lang. happy all day...Wish ko lang sa amin dalawa sana magkasama na kami habang buhay at sana maikasal kami pag dating ng araw. Mahal na mahal ko si tats at mga kids ko.

No comments:

Post a Comment