Sunday, November 15, 2009
V.a 1st Hospitalization
Di ko alam kong ano mararamdaman ko nung mga time na nasa hospitalize si v.a habnag umiiyak sya sa bawt tusok na ginagawa nila sa kanya...naiiyak ako bilang mommy nya....Nag start nag fever ni v.a last nov 7. pero nauna muna ang ubo 2nd day ng fever worried na kami ni tats kasi sumasabay ang ubo at lagnat kaya nag decide kami na ipa check up sya...nung tumawag ako sa pedia nya para mag pa lista sa check up tinanong nila ako kung ilang days na ang fever ni v.a ang sabi ko 2days ang sabi s.o.p daw sa kanila ipa cbc agad kasi delikado daw at uso ang dengue kami naman ni tats agree na ipa cbc sya. at his early age matutusok na sya ng needle feeling ko ako ang masasaktan sa gagawin sa kanya para hindi umiyak si v.a kinuwento ko si brutos hehe yung dog sa kabilang bahay na aliw naman si v.a at hindi naramdaman ang tusok..pero masakit kaya may late reaction pero sandali lang after 2hrs nakuha na namin ang cbc sabi ni dra gusto nya ipa repeat ulit yun pag nag 3rd day ang fever dahil di ganun kaganda nag result kasi viral ang nakita sa result nasa under ng viral ang dengue pag bumaba lalo ang platelets nya dengue na talaga. Kinabukasan may fever pa si bunso kaya nag pa cbc kami ulit bumaba lalo ang result ng platelets nya kaya nag decide si dra na admit sya para makasiguro sa sitwasyon nya wala naman mawawala sa amin yun kung ipapa admit sya ang kaso wala pa syang medicard di gaya ni veigne kaya nag iisip kami financially pero sinantabi muna namin ang financial issues ang importante malaman kung ano talaga sakit ng baby ko at gumaling sya. May 3days din sya nag stay sa U.S.T hospital saturday ng lumabas sya ang findings sa kanya viral pneumonia buti na lang at hindi dengue..daming tusok pinag daanan ng baby ko during his confinement mas double ang sakit na nararamdaman ko that time kung pwedeng ako na lang sumalo sa mga tusok na gagawin sa kanya gagawin ko. Mahal na mahal ko mga kids ko sana mag direderetso na ang recovery ni V.a
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment